
Muling pinagtibay ng Department of National Defense ang matatag na paninindigan ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea, kasunod ng panibagong insidente ng pangha-harass ng China.
Giit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., malinaw ang posisyon ng bansa na hindi naghahanap ng giyera o komprontasyon, ngunit handang gawin ang lahat para ipagtanggol ang soberanya at karapatan ng sambayanang Pilipino.
Kung maaalala, kaninang umaga, tinangkang i-water cannon ng Chinese vessel ang barko ng Philippine Coast Guard sa bahagi ng Bajo de Masinloc.
Bago ito, nagbanggaan pa ang dalawang barko ng China matapos habulin ang PCG vessel.
Tiniyak din ng DND na kaagapay ito ng Pangulo sa misyon na ipagtanggol ang bansa, at hindi kailanman tatalikod sa tungkuling ito.
Pahayag pa ni Teodoro na hindi magpapasisiil ang mga Pilipino.









