DND, naghahanap na ng bagong supplier ng 16 helicopter ng Philippine Air Force

Maghahanap ng bagong supplier ang Department of National Defense (DND) para sa 16 helicopter na kailangan ng Philippine Air Force.

Ito ay matapos kanselahin ng nakaraang administrasyon ang P12 bilyong chopper deal sa Russia.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, nagkaroon ng pagbabago sa prayoridad ang bansa bunsod ng “Global Political Developments” katulad ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Sinabi ni Andolong, hindi lang Russia ang naging proponent nila bilang supplier ng mga helicopter at nilinaw na nagkataon lamang na pinakamainam na opsyon ang inaalok ng Russia dahil sa presyo nito at ang pagnanais ng naturang bansa na ibenta ito sa atin.

Dahil dito ay sisimulan muling timbangin ng DND ang mga offers ng mga posible maging bagong supplier ng choppers para sa Air Force.

Mababatid na kinansela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang 12-bilyong pisong chopper deal sa Russia upang makaiwas ang Pilipinas sa economic sanctions ng Amerika sa mga bansang may defense contract sa Russia.

Facebook Comments