DND, nagpasalamat sa gobyerno ng Malaysia dahil sa tulong sa pagpapauwi sa mga kababayan natin sa Sudan

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., sa pamahalaan ng Malaysia dahil sa pagbibigay ng impormasyon na nakatulong sa pag-repatriate ng mga Pilipino mula sa Sudan.

Ang pasasalamat ay ipinaabot ng kalihim sa bagong Ambassador of Malaysia to the Philippines, H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony, matapos itong mag-courtesy call nitong Martes.

Sa pagpulong ng dalawang opisyal, napagkasunduan na magtutulungan ang Pilipinas at Malaysia sa pag-monitor ng mga kaganapan sa Sudan para sa kaligtasan ng mga apektadong mamamayan ng 2 bansa.


Pinuri din ni Galvez ang matibay na samahan ng Pilipinas at Malaysia na mas lalong napatatag kasunod ng State Visit ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa bansa noong March 2023.

Nagpasalamat din ang kalihim sa gobyerno ng Malaysia dahil sa kanilang tuloy-tuloy na suporta sa Mindanao peace process.

Samantala, sa panig ni Amb. Castelino, nagbigay ito ng commitment sa pagpapatatag ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Southern Philippines.

Facebook Comments