DND naki-isa sa solidarity walk kontra sa VAWC

Sumali ang Department of National defense sa isang solidarity walk kontra sa “Violence against women and children” (VAWC) sa Camp Aguinaldo kahapon.

Pinangunahan ito nina DND Undersecretary Cardozo Luna, Defense Assistant Secretary Antonio Bautista, At Philippine Commission on Women Chairperson Rhodora M. Bucoy.

Ang aktibidad na binuo ng Philippine Commission on Women kasama ang Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Philippines, ang huling bahagi ng 18 araw na kampanya para iwaksi ang karahasan laban sa kababaihan at kabataan.


Sinabi ni USEC Luna na ang pakikilahok ng DND sa aktibidad ay bahagi ng pagsulong ng kanilang tungkulin na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga “victim-survivors” ng pang-aabuso.

Hinikayat naman ni Chairperson Bucoy ang lahat na maging “watchdog” sa kanilang mga komunidad at ireport sa mga awtoridad ang mga insidente ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan.

41 ahensya mula sa pambansang pamahalaan at mga local government units ang lumahok sa aktibidad para isulong ang kampanya.

Facebook Comments