DND, namahagi ng pamasko sa mga sundalong nagpapagaling sa Army General Hospital

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino ang pamamahagi ng pamaskong regalo sa mga sundalong pasyente ng Army General Hospital.

Ang gift-giving activity ay isinagawa sa multi-purpose hall ng Army General Hospital sa Taguig kahapon.

Bahagi ito ng tradisyunal na aktibidad ng DND para bigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga sundalong sugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin.


Kasama ni Usec Espino si Army Chief of Staff Maj. Gen. Potenciano Camba, na kumatawan kay Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido sa aktibidad.

Sila ay inasistehan naman ni AFP Inspector General Lt. Gen. Steve Crespillo at AGH Commanding Officer Col. Aldrich Raymund Fernandez sa pamamahagi ng mga pamasko sa mga sundalo.

Facebook Comments