DND, Nanawagan na gawing prayoridad ang mga hakbangin pang-depensa

Sa hangaring palakasin ang kakayahan ng depensa ng bansa, nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr., na gawing prayoridad ang mga hakbangin pang-depensa sa ginanap na Maritime Security Symposium 2024.

Sa kanyang pangunahing talumpati, binigyang-diin ni Sec. Teodoro ang pangangailangan para sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng mga stakeholder upang palakasin ang defense ecosystem ng bansa.

Aniya, ang pagbibigay-prayoridad sa mga hakbangin pang-depensa ay mahalaga sa pagtugon sa mga banta at matiyak ang seguridad ng bansa sa gitna ng umuusbong na mga hamon sa seguridad.


Ang panawagang ito ay kaakibat ng lumalaking issue sa West Philippine Sea, kaya naman inaasahan ng kalihim ang tulong ng mga stakeholders na unahing paghusayin ang kahandaan at katatagan ng depensa ng bansa.

Facebook Comments