DND, nilinaw na wala silang direktang papel sa pagkakaaresto kay FPRRD

Binigyang-diin ng Department of National Defense (DND) na wala silang direktang papel sa paghuli kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay walang mandato sa pagpapatupad ng batas bagkus sumuporta lamang sila sa Philippine National Police (PNP).

Ani Teodoro, ang operasyon ay isang law enforcement operation kung saan ang PNP ang siyang nakatoka rito at humingi lamang sila ng tulong mula sa AFP.


Paliwanag pa ni Teodoro na ang mga detalye ng suporta sa PNP ay saklaw ng operational security, kaya’t hindi ito maaaring isapubliko.

Ang pahayag ni Teodoro ay bunsod ng pagdinig sa Senado kung saan binubusisi ng mga senador ang ginawang pagsuko ng gobyerno kay Duterte sa International Criminal Court.

Facebook Comments