
Patuloy na magtatrabaho ang Department of National Defense (DND) upang tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong holiday season.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kaniyang mensahe nitong bisperas ng Pasko.
Ayon kay Teodoro, mananatiling nakaalerto at nakabantay ang ahensya laban sa iba’t ibang banta gaya ng bagyo, lindol, at mga isyu kaugnay ng China.
Dagdag pa niya, umaasa rin ang kagawaran sa suporta at panalangin ng publiko upang magkaroon ng lakas sa patuloy na pagtupad ng kanilang tungkulin sa bayan.
Nagpasalamat din si Teodoro sa mga nag-aalay ng kanilang sarili upang tumulong sa kapwa at sinabing kaisa ang DND sa pag-alala sa mga biktima ng mga kalamidad.
Facebook Comments









