Pinaaalahanan ng Department of National Defense (DND) ang mga sundalo na huwag makisawsaw sa pulitika lalo at papalapit na ang 2019 Midterm elections.
Babala pa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – mapaparusahan ang sinumang sundalo na makikihalo sa pulitika.
Ang tungkulin aniya ng mga pulis at sundalo ay tiyakin ang patas, maayos, at mapayapang halalan.
Para sa hiling naman ng mga kandidato na security, kailangang maaprubahan muna ito ng Commission on Elections (Comelec).
Dagdag pa ni Lorenzana – maaring bisitahin ng mga kandidato ang mga kampo ng militar para mangampanya roon.
Pwede ring kumuha ng litrato ang mga sundalo kasama ang mga kandidato basta at hindi nila ito ikakampanya.
Facebook Comments