Thursday, January 22, 2026

DND, pumalag sa mga kritikong kumukwestiyon sa pagtaas ng base pay ng mga military and uniformed personnel

Pumalag ang Department of National Defense (DND) sa mga kritikong kumukwestiyon sa base pay increase na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, sinabi nito na hindi suhol ang pagtaas ng base pay ng mga Military and Uniformed Personnel o MUP.

Ayon pa sa kanya, overdue na ito kung kaya’t dapat lang na maibigay na ang pay increase lalo na sa hirap ng trabaho ng mga nasabing uniformed personnel.

Ayon pa sa kanya, dapat isipin ng mga kritiko ang kanilang sinasabi dahil ito ay para naman sa mga pumoprotekta sa bayan at sa soberanya ng bansa.

Para kay Andolong, ayaw na nyang bigyan ng kulay ang mga sinasabi ng mga kritikong ito.

Facebook Comments