Dnd Sec Lorenzana, nababahala sa dami ng Floating Cocaine pero hindi na raw kailangan ng Joint Task Force para dito

Naniniwala si defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi na kailangan pang bumuo ng joint task force ang gobyerno sa sunod-sunod na pagkakadiskubre ng floating cocaine sa mga dalampasigan sa silangang bahagi ng bansa.

Bagamat nakababahala aniya ang bulto-bultong floating cocaine, hindi na aniya ito bagong bagay dahil nangyari na ang ganitong insidente sa nakaraan.

Bagamat walang task force, paiigtingin aniya ng iba’t ibang armed forces ng bansa at law enforcement agencies ang pagmamatyag upang matumbok kung sino ang nagbabagsak ng mga droga sa karagatan ng Pilipinas.


Aabot na sa halos 900 milyong pisong halaga ng cocaine ang narekober sa eastern seaboard ng bansa ngayong pebrero, at hindi pa rin tukoy ang source at pagbabagsakan ng mga droga.

Facebook Comments