DND, suportado ang panukalang itaas ang retirement age sa militar

Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panukalang itaas ang retirement age ng mga miyembro ng militar.

Ayon kay Secretary Lorenzana, ang hakbang na ito ay makatutulong upang maging mas epektibo ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, kung maisasabatas ang panukala ay mananatili nang mas matagal sa pwesto ang mga opisyal upang may sapat na panahon sila na epektibong ipatupad ang mga programa at proyekto ng AFP.


Ang Senate Bill 1785 na inihain ni Sen. Richard Gordon at ang House Bill 8056 na inihain ni Rep. Boboy Tupaz ay magtataas sa retirement age ng mga opisyal sa 60 taon, at 65 taon para sa Chief of Staff, habang mananatili sa 56 na taon para sa enlisted personnel.

Magkakaroon din limitasyon sa bilang ng mga heneral na isa para sa bawat isang libong uniformed personnel.

Facebook Comments