
Suportado ng Department of National Defense (DND) ang resulta ng tugon ng masa sa survey ng Octa Research patungkol sa pagtutol ng mga Pilipino na mangialam ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa usapin ng pulitika.
Sa pahayag ng DND, sinabi nito na ang lumabas na survey ay nagpapakita ng mature democracy at nagpapatunay ng pangako ng AFP sa pagiging non-partisan nito at pagtutok sa pagdepensa sa bansa.
Ayon pa sa ahensya, may ilang mga grupo ang nagpapakalat ng mga maling impormasyon na nangingialam umano ang militar para sa pansariling agenda.
Dagdag pa nito, balak din umano ng mga nasabing grupo na basagin ang panawagan para sa pananagutan at kalinawan ng mga Pilipino.
Matatandaan na nagbigay din ng pahayag ang AFP patungkol sa naging resulta ng nasabing survey kung saan sinabi nito na hindi sila makikipaglaro sa pulitika sa halip ay tututukan nila ang pagprotekta sa bansa.









