DND, tutulong na para mapabilis ang registration ng National ID System

Tutulong na ang Department of National Defense (DND) sa pagbuo ng National Identification System sa pamamagitan ng pag-transport ng registration kits sa mga target na 32 provincial offices ng Philippines Statistics Authority (PSA).

Ito’y makaraang aprubahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kahilingan ni Acting National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua ng tulong mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa paglilipat ng may 4,000 registration kits sa 655 lungsod at target na munisipalidad.

Layunin ng NEDA at PSA na pabilisin ang pagpapatupad ng PhilSys sa buong bansa at makapagparehistro ng mahigit 5 milyong household heads mula sa mahihirap na pamilya bago matapos ang taong 2020.


Nabatid na dahil nananatili ang ilang restrictions sa mga travel sa pamamagitan ng land, air at sea bunsod ng COVID-19, tutulong ang AFP sa pag-transport ng registration kits sa mga lalawigan nang naaayon sa biosafety protocols.

Ang registration kits na binubuo ng iba’t ibang equipment at photo booth kit ay gagamitin sa PhilSys registration sa step 2 sa pagkuha ng biometric information ng aplikante sa registration center.

Facebook Comments