DND, umaasang mapayapa ang protesta sa linggo

Inaasahan ni National Defense Secretary Gibo Teodoro ang isang mapayapang pagtitipon o protesta sa “Trillion Peso March” na gaganapin sa Linggo, Nobyembre 30.

Sa panayam kay Teodoro matapos makalusot sa deliberasyon sa plenaryo ang DND budget, sinabi niyang sa kabila ng mga posibleng banta, inaasahan niyang magiging matahimik ang rally ng iba’t ibang grupo.

Lagi naman aniya silang nakahanda sa anumang “worst-case scenario,” kaya mayroon silang nakaabang na mga ambulansya at iba pang emergency services bilang bahagi ng contingency.

Samantala, nagpaalala naman si Teodoro hinggil sa umano’y panawagang reset sa gobyerno.

Aniya, ang sinumang manawagan ng ganito sa protesta sa Linggo ay maaaring hulihin at makasuhan ng inciting to sedition dahil labag at iligal ito sa batas.

Facebook Comments