DND, umalma sa pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na hindi nila pinapahalagahan ang epekto ng China’s new Coast Guard Law sa mga mangingisdang Pinoy

Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi niya dina-downplay o isinasawalang bahala ang epekto sa mga mangingisdang Pilipino ng bagong batas ng China para sa kanilang mga coast guard personnel.

Ginawa ni Lorenzana ang pagdepensa matapos ang pahayag ni Senator Risa Hontiveros na tila hindi pinapahalagan ng kalihim ang epekto ng China’s new Coast Guard Law sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

Sa katunayan ayon kay Lorenzana, hinihikayat niya pa nga ang mga mangingisdang Pinoy na ipagpatuloy ang pangingisda sa Exclusive Economic Zone ng bansa.


Tiniyak niya na habang nangingisda ang mga ito, nakabantay ang mga sundalo para sila ay protektahan sa mga tataboy sa kanila.

Giit ni Lorenzana, handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagtanggol ang bansa, pero mananatili aniya ang kanilang adhikain na iiral pa rin ang diplomasya sa pagresolba sa isyu sa agawan sa West Philippine Sea.

Batay sa bagong batas ng China, aarmasan na ang mga coast guard personnel at pinapahintulutan na silang gamitin ito laban sa mga magtatakangkang pumasok sa kanilang teritoryo.

Facebook Comments