Manila, Philippines – Walang na-monitor na security threat ang Department of National Defense sa idaraos na ASEAN Summit sa Maynila.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenza na tugma naman sa unang inihayag ni PNP chief Dir Gen Ronald delarosa na walang na monitor na imminent threat ang PNP.
Pero ayon kay Lorenzana, hindi Ito nangangahulugan na magpapakampante na ang mga security forces ng bansa sa pahbibugay seguridad ng pandaigdigang pagpupulong na i-ho-host ng Pilipinas sa susunod na linggo.
Aniya, kahit na walang namonitor na planong pag-atake ng mg terrorista, palaging may posibilidad ng lone-wolf attack.
Ito aniya ay ang pag-atake ng isang indibidwal na maaring makalikha ng gulo, kaya’t naka-alerto sila sa ganitong posibilidad.
Sinabi ni Lorenzana na importanteng matiyak ng pamahalaan Ang seguridad ng mga bibisitang heads of state at dignitaries sa bansa, at 60 libong security personnel ang gagamitin para dito.