DND, walang nakikitang problema sa pagbisita ni US VP Kamala Harris sa Palawan

Kasunod ng nakatakdang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan sa darating na Nobyembre 22, walang nakikitang problema ang Department of National Defense (DND) hinggil dito.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, ito ay sa gitna na rin ng isyu sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea.

Base sa inilabas na impormasyon ng US State Department, ang pagbisita ni VP Harris sa Palawan ay para makipag-usap sa mga lokal na komunidad at sa Philippine Coast Guard (PCG).


Aniya, pawang mga sibilyan at civilian agency lamang ang bibisitahin ni Harris at walang kinalaman dito ang DND o militar.

Sinabi pa ni Andolong na ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay katulad lamang ng pagbisita ng iba’t ibang US dignitaries na pangkaraniwan lamang na ginagawa.

Una nang sinabi ng isang US senior administration official sa isang press teleconference na makasaysayan ang pagbisita ni Harris dahil siya ang pinakamataas na opisyal ng Estados Unidos na makararating sa Palawan.

Facebook Comments