DOBLE KAYOD | National Democratic Consultants Benito at Wilma Tiamzon, tinutugis na ng AFP

Manila, Philippines – Tinutugis na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang National Democratic Front (NDF) consultants na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ito’y sa bisa na rin ng arrest warrant ng Manila Regional Trial Court branch 32.

Ayon kay AFP Spokesman, Col. Edgard Arevalo, doble-kayod na ang pwersa ng militar para matunton ang mag-asawa at maibalik sila sa kulungan.


Nabatid na ipinag-utos ang pag-aresto sa lahat ng NDF consultants matapos ibasura ng administrasyong Duterte ang peace talks sa Communist Party of The Philippines (CPP).

Ang mag-asawang Tiamzon at kanilang kapwa akusado na si Adelberto Silva ay nahaharap sa kasong murder matapos madiskubre ang mass grave sa Leyte kung saan inilibing ang mga umano’y biktima ng New People’s Army (NPA).

Facebook Comments