Hinikayat ni Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza ang kongreso na pag-aralan ang ipinasang batas na umoobliga sa lahat ng uri ng motorsiklo na maglagay ng mas malaking plaka.
Para sa mambabatas, malinaw na depektibo ang ‘doble plaka law’ o ang motorcycle crime prevention act kaua mainam kung ma-i-a-adjust ito sa international standards on safety.
Paliwanag ng kongresista, ang disenyo ng motorsiklo ay para sa bilis at malayang paggalaw kaya magiging sagabal ang malaking plaka o decals.
Kinikuwestyon rin nito ang gagawing pag-iisyu ng bagong plaka gayong marami pa nga ang naghihintay sa kanilang plaka.
Naniniwala ang mambabatas na mas epektibong paraan pa rin ng pagsawata ng mga kriminal ay ang mabilis na pagaksyon dito ng mga otoridad.
Sinabi ni Atienza na mas mabuti nang tanggapin ang pagkakamali sa naturang batas at bawiin ito kaysa naman maging sanhi pa ng mga disgrasya.