Doble plaka law subukan muna bago almahan ayon sa NCRPO

Umapela si National Capital Region Police Office Chief Director General Guillermo Eleazar na subukan muna ang kontrobersyal na republic act no. 11235 o an act preventing and penalizing the use of motorcycles in the commission of crimes by requiring bigger, readable and color-coded number plates and identification marks o mas kilala bilang “doble plaka law”.

 

Ayon kay gen eleazar mainam na sundin na muna ng mga motorcycle riders ang batas keysa punahin at batikusin.

 

Naniniwala din ang NCRPO na sa pamamagitan ng naturang batas bababa ang krimeng dulot ng riding in tandem


 

Sa ilalim ng doble plaka law ang land transportation office ay mag iisue ng mas malaki at color-coded license plates sa lahat ng motorcycle sa bansa.

 

Ang hindi tatalima dito ay magmumulta ng P50,000 – P100,000.

 

Matatandaan nuong linggo nagkaisa ang mga motor riders upang tutulan ang implementasyon ng doble plaka law.

Facebook Comments