Doble-sahod sa mga sundalo at pulis, dinipensahan ni P-Duterte

Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdo-doble ng sahod ng mga sundalo at pulis.

Ayon sa Pangulo – nakakatanggap siya ng reklamo hinggil ito.

Iginiit niya na kailangang unahin ang mga militar at kapulisan dahil sila ang nagbubuwis ng buhay at nararapat lamang na mabayaran ng tama ang kanilang serbisyo.


Sa kabila nito, hindi naman binanggit ng Pangulo kung kailan makakatanggap ng umento sa sahod ang mga public school teacher.

Facebook Comments