Mas maraming pwersa ng kapulisan ang nakatoka sa pag-transport ng mga balota patungong Local Board of Canvassers.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda, gagamitin ang mga pulis na nagbabantay sa mga polling precinct sa pagdadala ng balota sa Local Board of Canvassers.
Layon aniya nitong masiguro ang kaligtasan ng mga balota lalo pa’t laman nito ang boto ng mamamayan.
Aminado ang PNP chief na mas mataas ang threat pag tapos ng halalan o sa pagta-transport ng mga balota lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.
Kaninang alas-3 ng hapon nagtapos na ang botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Target ng Comelec ang 75% voters turn out o mas mataas kaysa 71.2% o 40.89 million record nuong 2018.