Naranasan ng ilang jeepney drivers sa lungsod ng Dagupan City ang dobleng kita o mas mataas kaysa sa regular na kita kada araw sa paggunita ng nagdaang Semana Santa ngayong buwan ng Abril.
Bunsod ito ng mga pasyalang kaganapan na nangyari sa paggunita ng mga tao sa Holy Week. Dinagsa ang mga baybayin, simbahan maging mga malls na siyang nagparami ng mga bisita sa lungsod.
Ilang mga tsuper na nakapanayam ng IFM Dagupan ay lubos na ikinatuwa sa nakitang pera na nagsimulang tumaas noong ika-5 ng abril hanggang sa ika-9 dahil sa dami ng taong nasa bayan.
Ang mga jeep na may rutang pa-tondaligan beach ang isa sa higit na may nakitang pera dahil isa ang baybayin na tondaligan na matatagpuan sa Brgy. Bonuan ng Dagupan City sa dinayo ng mga turista. Nanatili rin sa 17 pesos ang regular na pamasahe at 15 pesos sa mga Senior Citizens, estudyante at mga bata.
Bagamat wala pa umanong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayon ay hindi pa alintana ito ng ilang tsuper dahil madami pa rin ang mga taong sasakay sa mga public utility jeepneys o PUJ.
Samantala, epektibo ngayon, april 11, 2023 ang pagtaas muli ng presyo ng mga langis sa ilang produkto partikular sa gasoline na tataas ng p2.60 kada litro, ang diesel, nasa p1.70 kada litro ang pagtaas nito at ang kerosene tataas din ng p1.90 kada litro. |ifmnews
Facebook Comments