Doc. Willie Ong, tatakbong Senador sa 2025

Inanunsyo ni Doc. Willie Ong na tatakbo siya sa pagkasenador para sa 2025 Midterm Elections at maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Miyerkules, October 2.

Ayon kay Ong, lumipad ngayong araw mula Singapore patungong Pilipinas, ang kaniyang maybahay na si Doc Liza Ong na kaniyang magiging kinatawan sa paghahain ng COC.

Si Ong ay kasalukuyang nasa Singapore para sa kaniyang pagpapagamot matapos ma-diagnose ng Sarcoma Cancer.


Kinumpirma rin ni Aksyon Demokratiko Chairperson Ernest Ramel sa DZXL News na manunumpa mamayang hapon si Doc. Liza Ong bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko sa Adriatico Arms Hotel sa Maynila.

Nakatakdang sagutin ni Doc. Liza ang mga katanungan sa pagtakbo ni Doc. Willie sa eleksyon sa naturang event.

Facebook Comments