DOCTOR-TO-THE-BARRIO PROGRAM, BUMISITA SA CANTORIA LUNA, LA UNION

Bumisita ang programang Doctor-to-the-Barrio Program ng lokal na pamahalaan ng Luna, La Union upang ibaba sa mga residente ang kalidad na serbisyo medikal nang hindi na dumadayo sa punong tanggapan.

Dala ng programa ang mga serbisyo para sa konsultasyon, early detection, at kaalaman sa mga health conditions tulad ng cardiovascular diseases, cancer, chronic respiratory illnesses, diabetes mellitus, skin diseases at kidney disease.

Sentro rin ng programa ang active TB case finding at maging ang HIV/AID at iba pang sexually-transmitted infections.

Bahagi rin ang pagbibigay-diin sa kamalayan ng mga residente na nagagamot ang sakit leprosy o ketong upang masugpo ang stigma na nagiging balakid sa mga pasyente na magpatingin sa mga doktor.

Magpapatuloy pa ang naturang programa sa iba pang barrio o barangay sa bayan upang isulong ang mas malusog na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments