DOE at malalaking negosyante ng China, nagpulong kaugnay sa potential investment sa energy sector ng bansa

Nagpulong kahapon sina Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso G. Cusi at ilang malalaking negosyante ng China upang pag-usapan ang potential investment opportunities sa sektor ng enerhiya sa bansa.

Ayon kay Cusi, mahalaga ang nasabing pagpupulong dahil magbubukas ito ng mga oportunidad upang makapagtayo ng energy infrastructure, e-transportation at upstream and downstream oil ventures.

Aniya ito ay bahagi ng Round Table Meeting for China’s International Fair for Investment and Trade na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang Philippine Embassy sa China.


Via Zoom video, nakausap aniya ang key executives ng business groups mula sa People’s Republic of China (PRC) at Hong Kong tulad ng HBIS Group, Co. Ltd.; BYD Auto Industry Co. Ltd.; C&U; at Panhua Group, Co. Ltd.

Facebook Comments