DOE, hinikayat ang mahihirap na consumers na magrehistro sa lifeline subsidy program sa kuryente

Kaunti pa lamang ang nakapagparehistro sa bagong lifeline subsidy program para sa mahihirap na consumers.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Dir. Luningning Baltazar ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy na nasa halos 200 libo pa lamang ang nakapagpa-rehistrong mga miyembro ng 4Ps.

Sinabi ni Baltazar, nasa 4.2 million ang inaasahan nilang magre-register.


Aniya walang deadline ang registration at kailangan lamang pumunta sa distribution utility office.

Nakapaloob sa programa, kwalipikadong mabigyan ng diskwento sa kanilang bill sa kuryente ang 4Ps at non-4Ps na consumers na hindi hihigit sa 100 kilowatts per hour ang konsumo kada buwan.

Itutuloy naman ng full implementation ng programa simula ngayong Enero.

Facebook Comments