DOE, hugas-kamay sa nawawalang 25 billion sa Malampaya fund

Manila, Philippines – Hugas-kamay ngayon ang Department of Energy (DOE) sa isyu ng nawawalang 25 Billion na Malampaya funds.

Itinuturo ni DOE Spokesman Wimpy Fuentebella, na direkta nilang inire-remit sa Bureau of Treasury ang pumapasok na pera at wala silang pananagutan sa nawawalang 25 Billion na pondo.

Katwiran nito, hindi sila kasama sa COA report dahil wala silang kontrol sa Malampaya funds.


Inihayag din ni Fuentebella na umabot na sa 241.37 Billion ang total collection ng Malampaya funds kung saan 47.74 Billion ang kabuuan nang nagamit dito.

Sa 2018, kaunti lamang ang itinaas na budget ng DOE na 2.659 Billion sa kasalukuyang 2.657 Billion.

1.845 Billion para sa operations, 291.296 Million sa Capital Outlay, 42.278 Million para sa Retirement and Life Insurance at 480.502 Million sa Personnel Services.

Facebook Comments