DOE, inaasahan ang pagbaba ng presyo ng langis sa pagtatapos ng Abril

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo ng langis sa pagtatapos ng buwan ng Abril.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, ang pagbaba ng pump price ay ipatutupad sa susunod na linggo batay sa last few trading days.

Batay sa ulat, bababa mula P0.20 hanggang P0.40 kada litro ang presyo ng gasolina.


Habang P0.40 hanggang P0.60 naman ang ibababa sa presyo ng diesel kada litro.

Mayroon ding bawas kada litro mula P0.70 hanggang P0.90 sa presyo ng kerosene.

Saad ni Romero, ang pagbaba sa presyo ng langis ay dulot ng deklarsyon sa pagkakaroon ng geopolitical conflict sa pagitan ng Israel at Iran; at ang pagbaba ng demand at pagtaas ng imbentaryo ng krudo sa US.

Facebook Comments