DOE, itinangging China lang ang magbebenepisyo sa pag-alis ng moratorium sa oil exploration sa West Philippine Sea

Itinanggi ng Department of Energy na ang Beijing ang magbebenepisyo sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang muling pagbabalik ng exploration works sa West Philippine Sea at ituloy ang joint exploration kasama ang China.

Kasunod na rin ito ng ilang kritisismo na nagsasabing mapapahina ng pag-alis ng moratorium sa oil exploration sa West Philippine Sea ang arbitral award ng Pilipinas kontra China.

Sa interview ng RMN Manila, binigyan diin ni DOE Asec. Leonido Pulido III, na ang tunay na layunin ng pag-alis ng moratorium sa oil exploration ay para mabigyan ng daan ang local contractors na bumalik sa kanilang drilling activities.


Aniya, hindi lang din isang bansa ang magbebenipisyo sa joint oil exploration dahil batas ng Pilipinas ang iiral dito.

Sinabi pa ni Pulido na ang pagsali ng China sa joint exploration ay isang pagkilala ng Beijing sa karapatan ng pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Sa ngayon ay nasa labing tatlong kompanya ang katuwang ng national government sa oil exploration sa West Philippine Sea kung saan lima rito ang nasa labas ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Facebook Comments