DOE, kinumpirma ang nakatakdang pagsisimula ng operasyon ng Ilijan Power Plant sa susunod na dalawang linggo

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na inaasahang magbubukas na ang Ilijan Power Plant sa Batangas sa May 26.

Ayon kay DOE Usec. Rowena Guevarra na malaki ang maitutulong nito para maging matatag ang power supply sa Luzon, on-time rin ang progreso ng itinatayong power plant at inaasahang makapagbabato ito ng 1200 megawatt sa grid sa sandaling mag-operate na ito.

Dagdag pa ni Guevarra, kapag walang naging aberya sa pagbubukas ng Ilijan power plant, inaasahang mawawala na ang mga Yellow Alert pagsapit ng buwan ng Hunyo.


Samantala, patuloy na sinusubaybayan ng DOE ang pagpasok ng iba pang mga planta.

Ayon kay Guevarra, inaasahan aniya nilang may 1000 megawatt na papasok na renewable supply sa taong ito.

Facebook Comments