
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na terminated na ang halos 12,000 megawatts (MW) na kontrata ng Solar Philippines para sa 2024 at 2025.
Ang naturang kompanya ay itinatag ni Congressman Leandro Leviste.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang terminasyon ng kontrata ay bunsod ng kabiguan ng kompanya na sumunod sa mga nakasaad sa kasunduan.
Nagbabala rin si Garin na maaaring humarap ang Solar Philippines sa P24-billion na penalty at iba pang financial obligations kaugnay ng naturang kontrata.
Facebook Comments










