DOE, kumpiyansang may sapat na kuryente hanggang matapos ang taon

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa Senado na mayroong sapat na suplay ng kuryente hanggang sa katapusan ng taon.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na sa kanilang power outlook sa afternoon peak para sa Luzon grid sa buwan ng Oktubre ay posibleng hindi maabot ang required contingency reserves o reserbang kuryente.

Pero, hindi naman ito makakaapekto dahil wala namang naitatalang power interruptions sa rehiyon.


Samantala, mapupunan naman ang Visayas grid mula sa sobrang kuryente sa Luzon kaya kahit may kakapusan sa contingency reserves ay magagawan ito ng paraan ng dagdag na suplay mula sa Luzon.

Ganito rin ang magiging sitwasyon sa evening peak na posibleng magkaroon ng yellow at red alerts sa Visayas grid na kaya ring tugunan ng sobrang kuryente sa Luzon.

Sa Mindanao grid naman, sobra-sobra ang kuryente hanggang December 2022 pero hindi ito maidadala sa Visayas dahil ang submarine cable transmission lines ay hindi pa nakukumpleto.

Facebook Comments