Kuntento na ang Department of Energy (DOE) sa ipinapatupad na rollback sa presyo ng produktong petrlyo.
Sa ikalawang sunod na Linggo, nasa piso ang tapyas sa presyo ng kada litro ng Diesel, 80-centavos sa gasolina, at ₱1.15 sa kerosene.
Dahil dito, bawi na ang oil price hike na ipinatupad noong Setyembre.
Ayon kay Energy Director Rino Abad, posibleng masundan pa ang rollback dahil lolobo pa ang produksyon ng langis ng Saudi Arabia at paglakas ng halaga ng piso kontra dolyar.
Nag-isyu na ng Show Cause Order ang DOE sa mga kumpanya ng langis noong isang Linggo dahil kulang ang rollback.
Sa ngayon, Shell at Chevron pa lamang ang nagpaliwanag.
Facebook Comments