DOE, maglalabas ng kautusan para sa ‘unbundled’ fuel prices

Manila, Philippines – Ilalathala na ng Department of Energy (DOE) ang “unbundling order” o paghimay ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, ilalathala nila ang utos sa loob ng dalawang linggo at magiging epektibo makalipas ang 15 araw.

Aniya, kasama sa mga hihingin ng DOE sa mga kompanya ng langis ang presyo ng imported na petrolyo, freight, tax, biofuels at kita ng kada kompanya.


Gayunman, nilinaw ng DOE na hindi nila ibubulgar sa publiko ang detalye ng presyuhan ng kada kompanya.

Facebook Comments