DOE, maglalabas ng protocol sa mga electric cooperative at LGUs na may mga storage facility ng COVID-19 vaccine

Mag-iisyu ang Department of Energy (DOE) ng mga protocol sakaling magkaroon ng brownout o power shortage sa mga lugar na mayroong storage facility para sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi, batay sa kanilang protocol, dapat ay mayroong tatlong power backups.

Ang una ay mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); ikalawa, mula sa distribution utilities at ang pangatlo ay final back up na magmumula sa generators na inilagay ng mga local government unit (LGU) sa mga storage facility.


Handa rin aniya ang DOE na makipag-ugnayan sa mga LGU para magbigay ng lectures o seminars kaugnay sa mga dapat gawin kung sakaling makaranas ng power outages sa kanilang lugar.

Ang hakbang na ito ng ahensya ay kasunod ng insidente ng power outage sa Makilala, North Cotabato kung saan nasira ang 348 vials ng Sinovac vaccines.

Facebook Comments