Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Energy (DOE) para sa mga major project ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong unang quarter ng 2023.
Ito’y kasunod ng pagtitiyak ng DOE sa sapat na energy supply ang bansa sa kasagsagan ng El Niño phenomenon.
Ayon kay DOE Usec. Felix William Fuentebella, nais nilang tiyakin ang energy security ng bansa sa kasagsagan ng El Niño at summer season.
Kung kaya hindi malaking concern ang power situation sa bansa lalo pa at on-going na rin ang pagsasaayos ng ilan pang energy supply ng bansa.
Samantala, iginiit ng ahensya sa gitna nito patuloy ang paghahanda ng pamahalaan para sa posibleng maging epekto ng matinding init ng panahon na inaasahang magtatagal hanggang sa buwan ng Mayo.