Hihigpitan pa ng Department of Energy (DOE) ang pagbabantay sa mga nagbebenta ng gasolina na nakalagay sa bote.
Ito ay matapos makapagtala na naman ng talamak na bentahan ng tinging gasolina sa bahagi ng Mindanao.
Ayon sa DOE Field Office Mindanao na bukod paglabag sa DOE retails rules, hindi tiyak ang kalidad ng gasolina sa ganitong mga tindahan, mapanganib din sa buhay at ari-arian ang pagbenta ng nakaboteng gasolina na kalimitang nakikita sa bote ng softdrinks at mga galon.
Facebook Comments