Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na mayroon silang contingency plan sakaling magkaroon ng kakulangan sa supply ng kuryente sa Luzon.
Ayon kay DOE – Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB) Director Mario Marasigan, mayroon pang isang planta ang Malaya na maaaring paganahin.
Aniya, maaari ring naman kumuha ng kuryente sa Visayas.
Maliban pa aniya rito ang interruptible load program kung saan sariling generator sets muna ang gagamitin ng mga malls para sa kanilang supply ng kuryente.
Pero paalala ni Marasigan sa publiko, asahan na ang dagdag singil kapag ipinatupad ang nasabing mga contingency plan.
Facebook Comments