
Muling nagsagawa ang Department of Energy (DOE) ng reconnaissance survey sa Palawan.
Ito ay bahagi ng pagtuklas ng DOE ng potensyal para sa white hydrogen na maaring pagkunan ng enerhiya na may mababaang carbon footprint.
Kinolekta ng technical team mula sa Energy Resource Development Bureau (ERDB) at Energy Research and Testing Laboratory Services (ERTLS) ang water, gas, at rock samples mula sa iba’t ibang hot spring at outcrop sa Sofronio Española, Narra, at Puerto Princesa City.
Ayon sa DOE, susuriin nila ang mga nakolektang sample upang gabayan ang mas malawak na estratehiya sa paggamit ng likas na yaman para sa enerhiya.
Layon anila niyo na mapalawak pa ang mga source ng kuryente at enerhiya.
Facebook Comments









