Nagbabala na ang Dept. of Energy (DOE) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na huwag nang hintaying magalit pa si Pangulong Duterte sa isyu ng Inspeksyon at Audit ng Transmission Facility.
Ito’y kasunod ng pangambang kayang kontrolin ng China ang Power Grid ng Pilipinas.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, inihahanda na nila ang mga susunod na hakbang kapag patuloy na nagmatigas ang NGCP.
Sinabi naman ni Energy Usec. Felix William Fuentebella, hindi uubrang mag-solo ang NGCP dahil malaking bahagi ng power supply ng bansa ang mga transmission lines.
Mahalagang ma-audit ang NGCP para makita ang kabuoang sitwasyon.
Depensa ng NGCP, abala pa sila sa pagsasa-ayos ng mga tore at pasilidad na napinsala ng Bagyong Tisoy.
Susuriin nila ang request na Audit at Inspection ng gobyerno kapag natapos na ang pag-aayos.