Inihayag ng Department of Energy o DOE na umabot ng ₱100 million ang halaga ng pondo ang kailangan upang maibalik ang mga kuryente sa mga lugar na tinamaan ng dalawang bagyo na Rolly at Quinta.
Ayon kay DOE Sec. Alfonso Cusi, ito ang ibinigay na halaga na kakailangan ng National Electrification Administration o NEA mula sa kanilang ginawang assessment ukol dito.
Nasa 22 mga electric cooperative aniya ang matutulungan ng nasabing pondo.
Mula sa nasabing bilang aniya, 20 mga electric cooperative ay napinsala ng Super Typhoon Rolly.
Habang ang dalawang electric cooperatiive naman ay napinsala ng Bagyong Rolly at Quinta.
Sinabi rin ni Cusi na 15 provinces ang sakop ng 22 mga electric cooperative.
Pahayag pa ng kalihim, nasa 50% na ang nagagamit mula sa ₱100 milyong pondo para sa Quick Response Fund o QRF ng NEA.
Samantala, sinabi ni Cusi na hanggang sa ngayon ay wala pang kuryente ang buong Bicol at hindi pa tiyak kung kailan ito maibabalik.