Maiiwasan sana ang mga rotational power interruptions kung ginagawa ng Department of Energy (DOE) ang trabaho nila.
Ito ang iginiit ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba sa gitna ng nararanasang brownout ngayon sa Luzon dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente.
Katwiran ni Dimagiba, isang buwan bago ito ay nag-abiso na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng ilagay sa Red Alert ang Luzon Grid sa pagitan ng May 28 hanggang June 10.
Aniya, sa halip na humanap ng alternative power sources, masyadong nagpakakumpiyansa ang DOE na hindi magkakaroon ng mga brownout.
“They know that we are unreverent for this period pero anong nangyari? Hindi nila ginawa yung trabaho nila. Hinayaan nila na pumutok, mag-brownout, two days na, di ba? Wala silang ginawa dahil lahat sila confident na hindi mangyayari, e nangyari,” ani Dimagiba sa interview ng RMN Manila.