
Nagpatupad na rin ang Department of Energy (DOE) ng price freeze sa LPG at kerosene sa Cebu kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Visayas.
60-araw na price freeze sa basic petroleum products ang ipinatupad ng DOE sa lalawigan.
Layon nito na matiyak na walang magsasamantala sa presyo ng LPG at kerosene sa mga apektadong residente.
Samantala, pinamamadali na rin sa energy sector ang pagbabalik ng kuryente sa Cebu na labis na napinsala ng lindol kagabi.
Partikular na pinapamadali ng DOE sa National Grid Corporation (NGCP), generation companies at electric cooperatives ang mga ospital, water stations at mga pangunahing utilities na mahalaga sa kaligtasan ng mga residente.
Ayon sa DOE, may mga nakatalaga nang technical teams para kumalap ng power supplies para sa mga establisyimento.
Habang ang generator sets ay inihahanda na para magsilbing back-up na kuryente para sa mga health centers, at evacuation centers.









