DOE, nagsisimula ng tumanggap ng aplikasyon para sa gagawing petroleum exploration sa bansa

Inanunsyo na ng Departement of Energy (DOE) na bukas na ang kanilang tanggapan para sa magsusumite ng mga application para sa mga kompanya o negosyanteng nais gumawa ng petroleum exploration sa bansa.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, mayroon ng mga lokasyon na tinukoy ang kanilang ahensya na tinawag na Nominated Area No. 5 sa Offshore Mindoro Basin at Nominated Areas No. 6, 7, at 8 na nasa Recto Bank Basin ng West Philippine Sea.

Sa ngayon, mayroon ng tatlong kompanya ang nagsumite ng kanilang aplikasyon tulad ng Troika Giant Power Corporation para sa Area No. 5; PXP Energy Corporation para sa Area No. 6; at Udenna Corporation para naman sa Areas No. 7 at 8.


Layunin aniya nito na ma-maximize ang pagsasaliksik, kaunlaran, at paggamit ng mga energy resources ng bansa upang makamit ang seguridad at kalayaan ng Pilipinas kaugnay sa sektor ng enerhiya.

Ang nasabing programa ay nasa ilalim ng Philippine Conventional Energy Contracting Program (PCECP) ng DOE-Energy Resource Development Bureau (ERDB).

Facebook Comments