Nakatakdang magdagdag ang Department of Energy (DOE) ng exploration wells sa Malampaya Gas Facility upang makadagdag ng gas supply at karagdagan supply ng enerhiya sa bansa.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni DOE Undersecretary Sandy Sales na ito’y nakapabilang sa panibagong pag-renew ng kontrata sa Malampaya Gas Facility ng karagdagang 15 taon.
Dagdag pa ni Sales na ito’y upang makakadagdag ng supply ng enerhiya sa kabila ng pagnipis ng supply ng kuryente sa ating bansa.
Naturang pagdadagdag ng exploration wells sa malampaya ani ni Sales posibleng gumastos ng nasa 80 hanggang 90 million dollars per well ang posibleng magastos ng naturang consesioner ng Malampya at tinatayang karagdagang 330 hanggang 360 million dollars naman sa pagsasaliksik sa naturang mga balon upang mapakinabangan ang mga ito.
Samantala, tinatayang nasa 20 percent na lamang ang naiaambag ng Malampaya sa Energy supply sa bansa dahil sa pagpapaubos ng gas reserves nito na bagay na inaaksyunan na nd DOE na maipatuloy pa ang operasyon ng naturang gas facility.