DOE: Nasa higit 60 renewable energy projects, isinusulong sa Western Visayas

Isinusulong ng Department of Energy (DOE) ang nasa 68 na mga renewable energy project na may potensyal na makapag-generate ng 14,245 megawatts (MW) sa Western Visayas.

Ayon kay Engr. Gaspar Ecobar Jr., ang division chief ng DOE, ang renewable energy projects na sinusulong sa rehiyon ay ang hydropower energy, geothermal energy, onshore wind energy, offshore wind energy, solar energy, at biomass energy.

Kabilang din kasi ang Region 6 sa isa sa mga aktibong rehiyon sa bansa na nagsusulong ng mga renewable energy projects alinsunod sa National Renewable Energy Program (NREP) ng bansa na naglalayong makamit ang 35% share ng renewable energy sa power generation sector sa taong 2030.


Sa kasalukayan, nasa 29 na mga renewable energy projects na ang napapatupad sa Western Visayas.

Samantala, suportado naman ng Regional Development Council Western Visayas (RDC 6) ang pasulong ng renewable energy projects sa rehiyon.

Facebook Comments