DOE-OIMB, may nakikitang pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo!

Good news!

Matapos ang mahigit pisong dagdag presyo sa produktong petrolyo nitong Martes, posibleng bumaba naman ang presyo ng langis sa susunod na linggo.

Ito ay base sa oil trading sa world market sa nakalipas na apat na araw kung saan nakitaan ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ng pagbaba sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo.


Sa pagtataya ng ahensya, naglalaro sa ₱0.70 hanggang ₱0.90 kada litro ang inaasahan nilang rollback sa gasolina.

Nasa piso hanggang ₱1.20 naman ang posibleng tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel at ₱0.90 hanggang piso sa kerosene.

Una nang sinabi sa interview ng RMN Manila ni DOE – OIMB Dir. Atty. Rino Abad na posibleng bumaba ang presyo ng langis sa world market sa susunod na linggo dahil sa epekto ng report na posibleng magkaroon ng economic recession ang Japan at Britanya.

Sa kabila nito, hindi masabi ni Abad kung magtutuloy-tuloy ang posibleng oil price rollback.

Facebook Comments