DOE, patuloy na hinihikayat ang publiko na magtipid ng kuryente lalo na ngayong panahon ng El Niño

Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente, lalo na ngayong panahon ng El Niño kung saan inaasahang tataas nanaman ang konsumo sa kuryente.

Bagaman walang nakikitang malaking problema ang DOE sa supply ng enerhiya ngayong taon, posibleng makaranas pa rin ang bansa ng ilang mga Yellow Alert.

Ayon sa ahensiya na hanggang apat na Yellow Alert ang mararanasan ngayong Hulyo at sa kabuuang ng Agosto.


Isa ang posibleng mararanasan ngayong buwan habang tatlo naman ang maaaaring maranasan sa buong Agosto.

Bagaman maaaring magtatagal ito, nilinaw naman ng kagawaran na hindi ito magdudulot ng malawakang power outages.

Ang Yellow Alert ay nangangahulugang napakababa ang power reserves at hindi nito kayang suplyan ang pinakamalalaking generating units ng bansa.

Facebook Comments